-- Advertisements --

Pinalitan na rin ng Department of Public Works and Highways ang district engineer ng Las Piñas–Muntinlupa District Engineering Office na si Engr. Isabelo Baleros.

Maalalang ang naturang opisyal ay inirereklamo ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilang questionable transactions, kasama na ang pag-transfer sa ilang flood control fund.

Hinihimok din ng kongresista si DPWH Sec. Manuel Bonoan na tuluyang tanggalin ang inhinyero dahil dito.

Batay sa inilabas na memorandum ng kalihim, agad na inilipat ang inhinyero sa ibang lugar habang papalitan na siya ng isa pang district engineer.

Pansamantalang mananatili si Baleros sa DPWH Metro Manila third district engineering office

Ang naturang aksyon ay sa gitna ng tuloy-tuloy na paglipat sa mga district engineer dahil na rin sa umano’y pagkakasangkot nila sa anomalyang ikinakabit sa mga itinatayong flood control infrastructure.

Top