-- Advertisements --

Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang paglaban sa korapsyon, kawalang-katarungan, at pagwawalang-bahala, dahil ang pagpapabaya rito ay pagtataksil sa mga sakripisyo ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang paggunita sa National Heroes Day ay hindi lamang para parangalan ang malalaking personalidad ng kasaysayan kundi pati na rin sa mga hindi mabilang na Pilipino na tahimik na nagsakripisyo para sa kalayaan ng bansa.

“On National Heroes Day, we honor not only the great figures of our history but also the countless Filipinos whose quiet sacrifices made our freedom possible. Their courage is a constant challenge to us in public service to place country above self,” ani Speaker Romualdez.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na nakatuon ang Kamara sa pagpapatuloy ng pamana ng mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng makabuluhang batas.

Ipinunto ng lider ng Kamara na bawat henerasyon ay may kanya-kanyang panawagan para sa kabayanihan.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez: “We owe it to them, and to those who will come after us, to build a Philippines worthy of their sacrifice. Mabuhay ang ating mga bayani! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!”