SHINZO ABE
Shinzo Abe/ IG post

Humiling ang gobyerno ng Japan sa tamang pagtawag sa pangalan ng kanilang Prime Minister.

Ayon kay Japanese Foreign Minister Taro Kono, na mali ang nakasanayan ng marami sa pagtawag kay Prime Minister Shinzo Abe at ang tamang tawag ay Abe Shinzo.

Inihalintulad nito sa pagtawag kay Chinese President Xi Jinping at South Korean President Moon Jae-in.

Plano nitong magpalabas ng request sa mga international media lalo na ang Japanese English-language media.

Sinabi nito na 20 taon na ang nakakalipas ng nais ng National Language Council na gumamit ng Japanese format sa English.