May mas maraming tulong na nakukuha ang Pilipinas mula sa Japan kaysa China.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, na kahit na malapit ang China sa Pilipinas ay hindi maitatanggi na maraming tulong ang nanggagaling sa Japan.

Isinagawa nito ang pahayag sa pagdalo niya sa United Nations Sustainable Development Summit sa New York City.

Dagdag pa nito na kung ikukumpara ang tulong mula sa China ay tila hindi ito tuluyang nag-materialized kumpara sa investment at official assistance ng Japan.