-- Advertisements --

Napatunayang guilty ng korte sa Pasig City si Janet Lim Napoles.

Sa inilabas na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court Branch 158 noong Oktubre , hinatulan si Napoles na makulong ng pito hanggang 14 na taon sa bawat count ng 13 money laundering o katumbas ng 154 taon.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) pinagbabayad din si Napoles ng P94.15 milyon bilang multa at ito ay maaaring maiapila.

Kasama ng AMLC at Department of Justice para maprosecute si Napoles ng money laundering laban kay Napoles.

Napatunayan ng korte sa Pasig na si Napoles ay nagplano ng scheme para bumuo ng non-government organization (NGO) at ng makatanggap mula sa pork barrel fund ng mga ghost projects.

Noong 2024 din ay hinatulan ng Manila RTC branch 24 si Napoles ng pagkakulong ng mula pito hanggagn 14 na taon at pinagmulta ng P16-M na multa.