Sumama na rin si NBA star LeBron James sa ilang mga celebrities na kumokondina sa pagkamatay ng isang black American na si George Floyd sa Minneapolis.

Sa kaniyang social media post, ipinaalala niiya ang ginawa ng dating football player na si Colin Kaepernick na lumuhod habang ipinapatugtog ang national anthem.

Sinabi pa ng Los Angeles Lakers star na dapat magising na ang marami dahil sa pangyayari.

Magugunitang namatay si Floyd matpos na patungan sa pamamagitan ng pagtuhod ng isang kapulisan dahil ito ay hinuhuli.

Dahil sa pangyayari ay tinanggal na sa puwesto ang apat na pulis na sangkot sa insidente.

Bukod kay James ay naglabas din ng galit si Basketball Hall of Famer Lisa Leslie ng galit sa ginawang ito ng mga kapulisan.