Nagsagawa ng pribadong on-court workouts si LeBron James kasama ang mga team mates niya sa Los Angeles Lakers.

Mahigpit ang ipinatupad nag safety protocols sa isang pribadong basketball gym sa Los Angeles.

Bagamat nagbukas na noong nakaraang linggo ang Lakers facility ay nagiging mahigpit pa rin sila dahil hanggang dalawang manlalaro lamang ang papayagang pumasok.

Paliwanag ni James, mahalaga ang pagkakaroon ng ensayo para hindi mawala ang tinatawag na team chemistry.

Magugunitang mula noong Marso 11 ay kinansela ng NBA ang maraming mga laro matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang ilang mga players.

Hinihintay din ng mga NBA teams ang magiging anunsiyo ni NBA commissioner Adam Silver kung kailan maipapatuloy ang mga laro sa liga.