-- Advertisements --

Aminado si Sen. Kiko Pangilinan na malaking hamon parin ang pagpapanagot sa mga indibidwal na sangkot sa smuggling dito sa bansa.

Paliwanag ng senador, sa nakalipas na apat na taon, mula sa 127 na kaso ng smuggling , apat lamang ang naisampa sa korte.

Sa kabila aniya nito ay nananatiling walang amuggler ang nakakulong dahil maaari silang makapagpiyansa.

Naniniwala rin ang senador na malaki ang epekto ng mga smuggled na produkto sa kalusugan ng mamamayan.

Nabatid na kahit aniya ito ay patapon na ay pilit itong ginagawan ng paraan para maibenta at pagkakitaan pa.

Kaugnay nito, nagpaabot ng buong suporta ang senador sa bagong pamunuan ng Bureau of Customs.