-- Advertisements --

Pinamamadali na ni Sen. Kiko Pangilinan sa Independent Commission for Infrastructure ang paglilive-stream sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Ayon sa senador , inanunsyo na ito ng komisyon kaya’t kailangan na nila itong panindigan.

Punto pa nito na gusto ng publiko na malaman kung ano ang nangyayari sa likod ng kanilang mga isinasagawang imbestigasyon hinggil sa mga maanomalyang infra project ng bansa.

Partikular na rito ang usapin na kinasasangkutang ng kontrobersyal na flood control anomaly.

Patuloy naman ang pagsusulong ni Pangilinan ng transparency at accountability .

Sinimulan ito ng Senador at ni ML Partly List Rep Leila De Lima sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng kanilang SALN sa publiko kahapon.