-- Advertisements --
Tiniyak ng Israeli government na makakatanggap ng social security benefits at regular na stipends ang Filipino caregiver na si Jimmy Pacheco na kasamang pinalaya ng mga Hamas.
Ang 33-anyos na si Pacheco ay isa sa 200 mga bihag ng Hamas mula ng atakihin nila ang Israel noong Oktubre 7.
Ayon sa Philippine Embassy sa Tel Aviv na bibigyan ng Israeli government si Pacheco at pamilya nito ng lifetime social security benefits at regular stipends gaya ng ibinibigay sa mga Israeli nationals.
Personal na binisita ni Israeli Foreign Minister Eli Cohen si Pacheco sa pagamutan kung saan ito dinala matapos na sila ay palayain.
Inaasahan din ng embahada na marami pang mga bihag ang papalayin ng mga Hamas sa mga susunod na araw.