Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala nang karagdagang kailangang isumite o gawin ang mga Pilipino upang mapakinabangan ang “Zero Billing” policy sa 87 ospital na pinapatakbo ng DOH sa buong bansa.
Ayon sa ahensya, hindi umano humihingi ng karagdagang dokumento ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para makapag-avail ang mga pasyente ng nasabing polisiya, na kilala rin bilang “No Balance Billing” policy, sa alinmang ospital na pinapatakbo ng DOH.
Dagdag pa, bilang miyembro, ang lahat ng Pilipino—may kakayahan man o wala na magbayad ng kontribusyon—ay garantisado sa No Balance Billing kung sila ay maa-admit sa basic o ward accommodation.
Tiniyak ng DOH sa publiko na patuloy ang PhilHealth sa pagbibigay ng pantay-pantay na access sa serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.