-- Advertisements --

Itinuturing na makasaysayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isinagawang cooperative maritime activity sa pagitan ng Pilipinas at India.

Sa unang pagkakataon kasi ay nagkaroon ng oras ang dalawang bana upang magsama sa pagkakasa ng maritime exercises kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makapagpalitan ng kaalaman at ilang kasanayan tungkol sa paglalayag sa katubigan.

Kasama sa naging aktibidad ang Air Defense Exercise kung saan naipamalas ng BRP Miguel Malvar ang makabago nitong armas na ‘smart ammunition’ na bahagi pa rin ng modernong air defense weapon system ng naturang barko.

Sa pamamagitan nito ay nagkaroon pa ng mas malalim na partisipasyon at koordinasyon ang Pilipinas at India hinggil sa mga usaping maritime exercises at maritime security.

Samantala, nagpapatuloy naman ang dalawang bana sa pagkakasa ng kanilang maritime talks kung saan nagkaroon rin ng palitan ang dalawang nasyon hinggil sa kanilan mga istratehiya sa paglilipat ng probisyon sa mga aktwal na sitwasyon sa katubigan.