LAOAG CITY – Pumanaw na ang isang taong gulang na biktima ng hit and run sa Barangay Pias Sur, Currimao, Ilocos Norte.

Kinumpirma ni Captain Michael Permison, chief of police ng PNP-Currimao ang pagkamatay ni Tricia Mae Estavillo.

Ayon ky Permison, ngayong araw ay pumanaw na ang biktima habang nasa ICU sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical center sa lungsod ng Batac.

Inihayag ni Permison na may mga nakuha na silang CCTV footages ngunit hindi malinaw.

Hanggang ngayon aniya ay hindi pa rin sumusuko ang driver ng kotse na nakabangga sa bata.

Samantala, sinabi ng hepe na kung mahuhuli nila ang suspek ay mahaharap ito sa kasong reckless imprudence resultng in homicide, ngunit depende rin umano sa magiging resulta kung makikipag-ayos sa pamilya ng biktima.

Una rito, nabangga ng kotse ang bata matapos niyang sinundan ang kanyang lola sa pagtawid sa kalsada.