Isang manukan inirereklamo dahil sa napakaraming langaw

DAGUPAN CITY- Inirereklamo ang napakaraming langaw na nagmumula sa isang manukan sa barangay Pogo, Bautista, Pangasinan.

Ayon sa mga residente, ilang taon ng problema ng mga residente ang sandamakmak na mga langaw.

Galing umano ang mga langaw sa isang manukan malapit sa kanilang lugar.

Nabatid na apektado na ang kalusugan ng mga residente at hindi na umano sila makakain ng maayos.

Ilang beses na umanong nakipag usap ang mga residente sa may ari ng manukan pero wala ring epekto.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan na aaksyunan ang reklamo ng mga residente.