-- Advertisements --
Lumakas pa ang bagyong Isang na nananatili sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 605 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Dahil sa paglakas, iniakyat na ito sa kategorya bilang tropical storm at mayroon na ring international name na Omais.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph.