-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong India para sa limang araw na State Visit mula August 4 hanggang 8, 2025.

Ito ay batay sa naging imbitasyon ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ayon sa Presidential Communications Office, makikipagpulong ang Pangulo sa mga lider ng India sa New Delhi, at tutungo rin sa Bangalore para sa serye ng business engagements upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng kalakalan at ekonomiya.

Makikipagkita rin si Pangulong Marcos sa Filipino community sa New Delhi bilang bahagi ng kanyang opisyal na schedule.

Ito ang unang State Visit ng isang Philippine President sa India mula noong October 2007, nang bumisita si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Huli namang bumisita sa Pilipinas ang isang Indian head of state noong October 2019, sa pamamagitan ni dating Indian President Ram Nath Kovind.

Kaugnay ng pagbisita, ipinagdiriwang ngayong taon ng Pilipinas at India ang ika-75 anibersaryo ng kanilang diplomatic relations.