Iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pagbawalan ang pagpaparada ng sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ang nasabing habang ay para mapaluwag ang kalsada dahil sa nararanasan trapiko sa Metro Manila.
Isinagawa ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang suhestiyon sa isinagawang pulon ng Metro Manila Council kung saan dinaluhan ng 17 mga mga alkalde ng Metro Manila.
Ayo pa sa kalihim na nais nila ng maging ligtas at dumami pa ang maninirahan sa Metro Manila kaya ipinanukala niya ang nasabing pagbabawal ng pagpaparada ng mga sasakyan.
Sa panig naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na plano nilang ipatupad ang pagbabawal ng side-street parking policy tuwing rush hours mula ala-7 hanggang alas-10 ng umaga at ala-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Sa ngayon ay pag-uusapan ng Metro Manila Council ang nasabing panukala kung saan maaring sa Setyembre 1 ay magkaron na sila ng panuntunan ukol sa pagbabawal ng pagpaparada para mapaluwag ang daloy ng trapiko.