TEAM USA
-- Advertisements --

Pinangunahan ni Isaiah Thomas ang Team USA ng talunin nila ang Cuba 95-90 sa FIBA World Cup qualifying tournament.

Nagtala ito ng 21 points kabilang ang 3-points nito sa natitirang 13.3 seconds ng last quarter sa laro na ginanap sa Chihuahua, Mexico.

Nagtala naman tig 16 points sina Brian Bowen II at BJ Johnson habang mayroong 10 points si Justin Anderson.

Nailapit pa ng Cuba sa dalawang puntos ang lamang ng USA ng maipasok ni Jasiel Rivero ang bola sa natitirang 34 seconds.

Sinabi ni US coach Jim Boylen na naghanda silang mabuti sa mga laro.

-- Advertisement --