-- Advertisements --

Nakitaan ng Philippine Navy ng mga chinese markings and characters and tone-toneladang nasabat na shabu sa Zambales nitong Hunyo 20.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, dahil sa mga chinese markings at sa nasyonalidad ng indibidwal na kanilang nahuli sa nasa fishing vessel na Chinese-Malaysian, malaki aniya ang posibilidad na ito ay pakana ng China.

Aniya, hindi ito ang unang beses na may mga nasabat silang malalaking halaga ng shabu na may nga chinese characters hindi lamang sa Zambales ngunit maging sa iba pang bahagi ng katubigan sa Northern Luzon.

Hindi rin aniya malabo na ito ay posibleng isa sa mga efforts ng China na sirain ang mga susunod na henerasyon ng mga Pililino sa pamamagitan ng pagdadala ng mga iligal na droga papasok sa Pilipinas.

Sa kabila nito, ay mas pinalakas na ng kanilang hanay ang pagkakasa ng mga operasyon partikular na ang kanilang laban kontra sa iligal na droga.

Ang pagkakasabat naman ng naturang halaga ng shabu ay resulta lamang ng patuloy na pagganap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mandato at pagsasagawa ng mga comprehensive archipelagic defense operations.

Samantala, nauna naman na dito ay inanunsyo na rin ng Philippine Navy Northern Luzon Naval Command na inilipat lamang ang mga nasabat na shabu sa fishing vessel ng apat na Pilipino mula sa isang malaking sasakyang pandagat.

Tiniyak din ng Hukbong Dagat na patuloy silang magiging vigilante at patuloy nilang gagampanan ang kanilang mandato na protektahan ang kapayapaan at kaligtasan ng bansa at ng soberanya nito.