Muling iginiit ng Philippine Coast Guard ang kanilang commitment sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa mga katubigang sakop ng Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng matagumpay na pagtatapos ng joint trilateral maritime exercise sa pagitan ng Japan Coast Guard , US Coast Guard at PCG na ginanap sa Kagoshima, Japan.
Partikular na lumahok sa pagsasanay ang PCG vessel na BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa isinagawang 2nd Trilateral Maritime Exercise.
Ang pagsasanay na ito ay layong palakasin ang kooperasyon sa mga kaalyadong maritime forces sa Indo Pacific Region.
Lumahok ang Pilipinas alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tampok sa pagsasanay ang communication exercise , search and rescue exercise , fire fighting exercise, photo exercise, at pagsasanay para sa paglilipat ng mga tauhan .
Sa pagbabalik ng mga tauhan ng PCG na nakiisa sa pagsasanay ay sinalubong ito ni PCG deputy commandant for administration Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio na kumatawan kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan.