-- Advertisements --

Mas palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang pagppatupad ng mga pro-active security measures sa Pilipinas bunsod ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bahagi ng kanilang pagpapaabot ng serbisyong publiko ang pagpapalakas ng seguridad para masiguro na hindi mararamdaman sa bansa ang malakas na epekto ng sigalot sa pagitan ng Iran at Israel.

Bahagi pa rin nito ang pagbabantay ng PNP sa mga vital installations na may kaugnayan sa mga naturang bansa para maiwasan agad ang maaring banta sa public safety ng mga mamamayang Pilipino.

Samantala, patuloy rin silang nakamonitor sa mga kasalukuyang estado ng mga pilipinong nasa Iran at Israel na siyang naiipit sa sigalot ng dalawang bansa.