Balasan Iloilo 1
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakahanda na maging state witness ang pulis na isa sa apat na suspek sa twin shooting incident sa lungsod ng Iloilo na ikinamatay ng dalawang biktima noong Enero 19.

Ito ang kasunod ng pagsuko ni Police Corporal Joseph Andrew Joven sa National Bureau of Investigation isang linggo matapos madawit sa krimen.

Ayon kay Atty. Zulikha Marie Conales, agent ng NBI-Death Investigation Division, hindi maituturing na voluntary surrender ang ginawa ni Joven ngunit hindi rin nito maipaliwanag kung maituturing ba na admission ang ginawa ng pulis.

Inihayag ni Atty. Conales na hindi pa akusado si Joven dahil wala pang warrant of arrest laban sa lahat ng suspek.

Para sa safekeeping lamang umano ayon kay Atty. Conales ang ginawang pagsuko ni Joven na sa ngayon ay nasa kustodiya ng NBI Central Office sa Metro Manila.

-- Advertisement --

Maliban kay Joven, dawit rin sa Muller-Britanico case si Police Corporal Jerry Villanueva at dalawang John Doe.