Oct 20, 2017; Philadelphia, PA, USA; Boston Celtics guard Kyrie Irving (11) reacts against the Philadelphia 76ers during the second quarter at Wells Fargo Center. Mandatory Credit: Bill Streicher-USA TODAY Sports

Tumipa ng 25 points si Kyrie Irving upang pamunuan ang Boston Celtics sa 110-105 pagdomina sa dumayong Miami Heat.

Nagdagdag ng triple-double na 19 points, 11 rebounds at 10 assists si Al Horford para sa Boston, na tinatangkang higitan ang Indiana Pacers para sa No. 4 seed sa Eastern Conference standings.

Hindi naman nagbunga ang 30 points ni Goran Dragic para sa Heat, maging ang 19 points at 14 rebounds ni Bam Adebayo.

Binasag din ng Celtics ang huling regular-season visit sa TD Garden ni NBA star Dwyane Wade, na tumipon ng 17 points.

Sa kabila nito, napanatili ng Miami (38-39) ang kanilang half-game lead sa Orlando para sa ikawalong playoff spot sa East.