Pinili ni Miami Heat shooter Duncan Robinson na pasukin ang free agency ngayong offseason.
Nagdesisyon si Robinson na piliin ang early termination option sa kaniyang $20 million contract sa Miami sa huling taon na nalalabi sa naturang kontrata kung saan mayroon pang $9.9 million guaranteed pay para sa kaniya.
Sa ngayon, susubukan ng 3-point star na magbingwit ng mas maraming offer mula sa iba pang NBA team.
Si Robinson ang nagsisilbing all-time 3-point leader ng Miami Heat.
Siya ay dating undrafted ngunit binigyan ng koponan ng isang pagkakataon hanggang sa tuluyang naging mahalagang bahagi ng rotation.
Sa mga sumunod na season mula nang kupkupin siya ng Miami, nagawa niyang magpasok ng mahigit 230 3-pointer sa bawat season hanggang sa kumamada na ito ng 1,202 3-pointer sa loob lamang ng ilang season sa liga.
Sa kasalukuyan, hawak niya ang career average na 11.3 points per game habang nagagawa niyang magpasok ng 3-pointer gamit ang 40% efficiency.