-- Advertisements --

Pinuwersa ng defending champion na Boston Celtics ang Game 6 sa serye nito kontra New York Knicks matapos duminahin ang Game 5 sa kabila ng hindi paglalaro ng star player na si Jayson Tatum.

Gumawa ng all-around performance ang 2024 Finals MVP na si Jaylen Brown na kumamada ng 26 points, 11 assists, at walong rebounds habang 34 points naman ang ipinoste ng small guard na si Derrick White.

Nagawa ng Boston na duminahin ang laban sa kabila ng limitadong paglalaro ng bigman na si Kristaps Porsingis. Bagaman naging starting center si Porzingis, naging bench na lamang siya sa 2nd half at sa pagtatapos ng laban ay tanging isang puntos at isang rebound lamang ang kaniyang nai-ambag.

Naging matagumpay ang 2nd-half run ng Boston, dahilan upang iposte ang 25-point lead sa pagtatapos ng laban, 127-102.

Sa pagtatapos kasi ng 2nd quarter ay all-59 ang score ng dalawang team ngunit sa 3rd quarter ay gumawa ang defending champion ng 32-17 run at ipinoste ang 15-point lead.

Tuluyan pang lumaki ang hawak na kalamangan matapos iposte ng Boston ang duminanteng opensa sa 4th quarter at nagawang ipasok ang kabuuang 36 points habang 26 lamang ang naging kasagutan ng Knicks.

Sa pagkatalo ng New York, nasayang ang 22 points ng guard na si Jalen Brunson at 24 points ni Josh Hart. Wala ring Knicks player na nakagawa ng double-double performance, di tulad ng mga nakalipas nitong laro.

Tanging 36% ang overall shooting na nagawa ng Knicks habang impresibong 53% naman ang ipinakita ng defending champion, kasama ang 22 3-pointers na naipasok.

Samantala, babalik na sa homecourt ng Knicks ang do-or-die na Game 6. Kung magkakaroon ng Game 7, babalik muli ito sa court ng Centics.