-- Advertisements --

Hinabol ng Boston Celtics ang Indiana Pacers sa kabila ng 19-point deficit sa unang bahagi ng laban.

Pinangunahan ni Jaylen Brown, dating NBA Finals MVP, ang comeback effort matapos makapagtala ng 11 field goals para sa kabuuang 31 points at siyam na rebounds.

Pagpasok ng third quarter, agad bumangon ang Boston at ipinalasap sa Pacers ang 31-21 run sa buong yugto.

Hawak ang momentum, itinuloy pa ito ng 2024 NBA champion at tinambakan ang defending Eastern Conference champion.

Sa pagtatapos ng regulation sa fourth quarter, hawak na ng Boston ang 8-point lead mula sa 19-point deficit sa simula ng third quarter.

Nasayang ang 25 points at anim na rebounds ni Pascal Siakam, dating NBA champion, sa pagkatalo ng Indiana na nananatiling isa sa pinakakulelat sa Eastern Conference ngayong season, hawak ang 6-23 record.

Sa matagumpay na comeback win ng Boston, sinamantala nito ang kahinaan ng Pacers sa ilalim ng paint area at nakapagtala ng 52 points o mahigit kalahati ng kanilang kabuuang iskor.

Tanging 28 points lamang ang naipasok ng Pacers sa paint, habang hawak ng Boston ang 18-11 win-loss record.