-- Advertisements --

Tinapos na ng Boston Celtics ang 13-game win streak ng Detroit Pistons ngayong araw (Nov. 27), 117-114.

Isang all-around performance ang ginawa ni 2024 NBA Finals MVP Jaylen Green para pigilan ang namamayagpag na Detroit. Nagposte ito ng 33 points, 10 rebounds, at limang assists.

Nag-ambag din ng 27 points at pitong rebounds ang batikang Boston guard na si Derrick White.

Naging mitsa sa pagkatalo ng Pistons ang 20 3-pointers na ipinasok ng Boston mula sa kabuuang 43 na kanilang pinakawalan.

Pinilit ng Detroit na bumawi sa paint area, ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang clutch performance ng 2024 NBA champion.

hindi naging sapat ang 42-point performance ng bagitong guard na si Cade Cunningham, kasama ang walong rebounds at tig-isang steal at block.

Mistulang inalat na ang iba pang Pistons player kung saan tanging 12 points lamang ang pinakamataas na indvidual score na sumunod sa rising star.

Ito na ang ikatlong pagkatao ng Pistons ngunit nananatili pa rin itong top team sa eastern conference, hawak ang 15 panalo.