-- Advertisements --

Lilipat na sa Atlanta Hawks ang bigman ng Boston Celtics na si Kristaps Porzingis.

Ito ay kasunod ng matagumpay na three-team deal sa pagitan ng Boston, Atlanta, at Brooklyn Nets.

Sa ilalim ng naturang deal, matatangap ng Hawks si Porzingis, kasama ang isang second-round draft pick.

Bilang kapalit, ipapadala ng Hawks si Georges Niang at isang second-round pick sa Celtics. Ipapadala rin ng Hawks si Terance Mann at ang hawak ng koponan na No. 22 pick sa Brooklyn Nets.

Una rito ay inilipat ng Boston si Jrue Holiday sa Portland Trailblazers kapalit ng shooter na si Anfernee Simons at ilang future second-round draft pick.

Sina Holiday at Porzingis ay dalawa sa pangunahing player na bumubuo sa Boston noong sumabak ito sa Finals kontra Dallas Mavericks nitong nakalipas na taon hanggang sa tuluyang maibulsa ang trophy sa loob ng limang game.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling din si Boston Forward Jayson Tatum mula sa Achilles injury na kaniyang tinamo sa katatapos na playoffs.

Sa championshipship team na sumabak sa 2024 Finals, tanging sina Jaylen Brown, Derrick White, Payton Pritchard, Al Horford, Sam Hauser, at Luke Kornet na lamang ang nalalabing healthy ngayong offseason.