Desidido ang NBA defending champion na Boston Celtics na maitabla sa 3-3 ngayong araw ang Eastern Conference Semifinals.
Ito ay kahit na nahaharap sa ilang mga hamon gaya ng sa home court ng Knicks gagawin ang laro at ang isa ay ang kawalan ng ilang manlalaro nila.
Isang panalo na lamang ang kailangan kasi ng Knicks para makusad sa Eastern Conference Finals.
Tinatarget din ng Knicks na makabalik sa conference finals matapos ang 25 taon.
Tanging 13 koponan lamang sa NBA ang nalusutan ang 3-1 deficit at nagwagi pa sa serye kung saan nais ng Celtics na gawin ito kahit wala ang kanilang star player na is Jayson Tatum na nagtamo ng ruptured right Achilles Tendon.
Sinabi naman ni Celtics star Jaylen Brown, naniniwala siya sa kaniyang mga kasamahan at makakayanan ang nasabing mga hamon.
Sakaling manalo ang Knicks ay maituturing na rematch ang Eastern Conference semifinals nila ng Indiana Pacers noong 2000 kung saan nabigo sila sa Pacers.