-- Advertisements --

Nananatili bilang acting Secretary ng Presidential Communications Office (PCO) si Secretary Jay Ruiz.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer USec. Claire Castro matapos lumabas ang ulat na may bagong kalihim na ang PCO.

Ito ay sa katauhan ni Mr. Dave Gomez.

Sinabi ni Castro na sa ngayon walang anumang komunikasyon na ipinadala sa kaniya kaugnay sa pagpapalit ng kalihim sa PCO.

Gayunpaman, hindi itinanggi o kinumpirma ni Castro kung papalitan sa pwesto ang beteranong mamahayag na si Ruiz.

Gayunpaman,ayon sa ilang mga mga reliable source na tinanggap na ni Gomez ang pwesto na isa ring dating journalist at ngayon ay isa ng corporate communications executive.

Kapag na-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos si Gomez siya na ang ika limang PCO Secretary sa tatlong taon sa ilalim ng Marcos Jr. administration.