Naging matagumpay ang operasyon ni Boston Celtics star Jaylen Brown sa kaniyang kanang tuhod.
Batay sa report na inilabas ng koponan, sumailalim ang 2024 Finals MVP sa arthroscopic surgery, isang minimal invasive surgical procedure upang linisin ang ilang minor problem sa tuhod ng batikang forward.
Inaasahan namang magiging handa na si Brown sa pagsisimula ng taraining camp at ng 2025-2026 season. Ayon sa koponan, walang limitasyon ang magiging partisipasyon ni Brown sa susunod na season, sa kabila ng kaniyang operasyon sa tuhod.
Sa nakalipas na season, hawak ni Brown ang 22 ppg, 4.5 apg, at 5.8 rpg.
Bagaman hindi pinalad ang Celtics na umusad sa conference finals, pinangunahan ni Brown ang huli nitong playoffs searies dahil sa injury na tinamo ng kaniyang ka-tandem na si Jayson Tatum.
Inaasahan ding muling pangungunahan ng dating Finals MVP ang kaniyang koponan sa pagsisimula ng season dahil sa mahaba-habang recovery na inilalan para kay Tatum, kasunod ng kaniyang operasyon sa ruptured Achilles tendon.
Sa susunod na season, inaasahang tatanggap ang Boston star ng kabuuang $53 million bilang bahagi ng kaniyang $304 million contract, ang itinuturing na pinakamalaking kontrata sa NBA noong ito ay pinirmahan ng kaniyang koponan.