-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Boston Celtics na matagumpay na sumailalim sa operasyon si Jayson Tatum.

Ito ay para maayos ang ruptured right Achilles tendon.

Hindi naman tiyak ng Celtics kung hanggang kailan ito makakabalik sa paglalaro dahil sa inaasahan na ito ay magpapagaling ng ilang buwan.

Natamo nito ang injury sa Game 4 nila sa second round playoffs laban sa New York Knicks.

Sa nasabing laro kahit natalo ang Celtics ay nagtala ng 42 points, apat na steals at dalawang blocks si Tatum.

Dahil dito ay mahaharap sa malaking hamon ang defending champion matapos na hawak na ng Knicks ang 3-1 na bentahe.