(Update) Naaresto ng mga operatiba ng PNP ang isang Iraqi national na umano’y eksperto sa paggawa ng bomba at rockets at miyembro ng teroristang Hamas sa Damascus sa Israel sa Malabañas, Pampanga.

Kinilala ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa ang nahuling Iraqui kahapon na si Taha Mohamed Al Jabouri, 64.

Kinumpirma ni Dela Rosa na miyembro ng teroristang Hamas si Al Jabouri at siya ang consultant ng grupo lalo na sa paggamit ng mga eksplosibo at mga rockets.

Si Al Jabouri ay isang chemist at engineer, at blacklisted ng Iraqi embassy.

Inihayag naman ni Al Jabouri sa mga otoridad na wala siyang terroristic plan sa bansa at ang pagtungo niya rito ay umano’y “purely business.”

Inamin din ng PNP chief na nabigyan ng tip ang mga otoridad dahil sa inilabas na red notice kaugnay sa presensiya ni Al Jabouri.

Mananatili muna sa PNP custody ang naarestong teroristang Hamas.