-- Advertisements --
Inamin ng Israel military na nagkaroon sila ng pagkakamali matapos ang masawi ang 10 katao kabilang ang anim na bata sa isinagawa nilang air strike sa Central Gaza.
Ayon sa Israel military, na nagkaroon ng ‘technical error’ ang kanilang strike na ang target sana ay ang mga Islamic Jihad “terrorist”.
Namali umano ang pagkakahulog ng mga missiles at hindi tumama sa target.
Tiniyak ng Israel Defense Forces (IDF) na kanilang papanagutin ang mga nasa likod ng insidente.
Ibinunyag din ng Civil Defence Agency ng Gaza na mayroong 19 mga Palestino ang nasawi sa panibagong air strikes ng Israel sa mga residential buildings sa Central Gaza.