-- Advertisements --
Nagkasundo si US President Donald Trump at si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magsagawa ng pulong sa Gaza.
Ito ay bilang pagtugon sa isinusulong ng US na peace-ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sinabi ni Netanyahu na kapag nasa Gaza na sila ni Trump ay magkakaharap sila mata-sa -mata ng mga Hamas.
Tiniyak din ni Netanyahu na malapit na silang tumugon sa ceasefire kung saan may ilang inaayos na silang mga detalye.
Sa ginawang pulong ng dalawang lider ay ibinahagi ni Netanyahu na personal siyang nagsumite ng nominasyon sa Nobel Peace Prize para kay Trump.