Saeid Mollaei
Saeid Mollaei

Nagtatago na ngayong si Iranian judo champion Saeid Mollaei matapos na makatanggap umanong pagbabanta sa kaniyang buhay.

Mula ng ito ay umalis sa Iranian judo team noong nakaraang buwan ay hindi na ito nagpapakita pa.

Inatasan kasi siya ng gobyerno ng Iran na huwag ng sumali sa world championship competition.

Ito ay para maiwasan ang posibildad na makaharap ang pambato ng Israel.

Si Mollaei kasi ay defending world champion kung saan matinding karibal nito ay si Sagi Muki ang pambato ng Israel.

Dahil dito ay hindi pa matiyak ng Iranian judo team kung makakasali pa ito sa Olympics.