Sabiti oil tanker
Sabiti oil tanker

Tiniyak na Iran kanilang gagantihan ang mga nasa likod ng pang-aatake sa kanilang oil-tanker sa karagatan ng Saudi Arabia.

Ayon kay Iran foreign minister spokesman Abbas Mousavi, na habang naglalayag sa karagatang sakop ng Saudi Arabia ang kanilang oil tanker ay bigla na lamang itong inatake ng hindi pa kilalang grupo.

Bagamat walang nasugatan ay nagtamo ng matinding pinsala ang mga oil tankers.

Naniniwala ang national oil company ng Iran (NIOC) na ang dalawang pagsabog sa kanilang oil vessel ay galing sa missiles.

Wala pang umaako sa naturang insidente.