Idineklara na ng Iran na hindi na sila susunod sa anumang paghihigpit na ipapatupad sa 2015 nuclear deal.

Isinagawa ang desisyon sa ginanap na Iranian cabinet meeting sa Tehran.

Sa inilabas na pahayag ng Iran, na hindi na nila oobserbahan ang anumang limitasyon sa enrichment capacity ng kanilang nuclear arms.

Isinagawa ng Iran ang nasabing desisyon matapos ang pagpatay ng US kay Iranian General Qasem Soleimani sa Iraq.