-- Advertisements --
Inihayag ng Iran na hindi sila nagmamadali para ipagpatuloy ang nuclear talks sa US.
Ayon kay Foreign Minister Abbas Araghchi na handa silang makipag-ugnayan sa US basta magakaroon ng patas na interest.
Mayroon inilatag din aniya ang US na mga kondisyon para ituloy ang pag-uusap.
Kinabibilangan ito ng direktang negosasyon, zero uranium enrichment at paglimita ng stocks ng missile ng Iran.
Subalit sinabi ng opisyal na ang inilatag na kondisyon ay illogical at unfair.
Magugunitang nagsagawa ang airstrike ng US sa nuclear facility ng Iran na nagresulta sa pagkasira ng inprastraktura.
Nanguna din ang Oman sa pagpapatupad ng ceasefire sa pagitan ng Iran at US.
		
			
        















