-- Advertisements --

pnpcovid

Ipinag-utos ni PNP Chief General Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel lalo na at patuloy ang pagtaas ng Covid-19 cases sa kanilang hanay.

Ayon kay Eleazar, siya ay nababahala sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa kanilang hanay kung saan sumampa na sa 108 ang kanilang fatalities.

Sinabi ni Eleazar, kaniya ng inatasan si PNP ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na magsagawa ng imbentaryo sa mga gamot at iba pang mga kagamitan para sa medical needs at proteksiyon ng mga kapulisan.

“Mahigit isang daan na ang namatay sa aming hanay kaya mas mainam na ang PNP ay laging handa sa mga worse-case scenarios sa gitna ng laban sa COVID dahil isa ang mga pulis na nasa frontline ng paglaban sa pagkalat ng nakakamatay na virus na ito,” pahayag ni Eleazar.

Muli namang pina-alalahanan ni PNP Chief ang mga police unit heads at mga commanders na striktong ipatupad ang minimum public health standards sa kanilang mga respective offices at police stations para maiwasan ang ang transmission ng Covid-19 virus.

Dagdag pa ni Eleazar dapat din mag-ingat ang mga pulis kahit na bakunado na ang mga ito laban sa Covid-19.

Sa ngayon, ang PNP nakapagtala na ng kabuuang 35,561 Covid-19 cases kung saan 33,272 dito ay nakarekober sa nakamamatay na virus.

As of September 5, 2021, nasa 2,181 ang naitalang active cases ng PNP Health Service habang ang nasawi ay nasa 108.

Samantala, ayon naman kay Eleazar nasa 106,174 or 46% police personnel mula sa kabuuan nilang pwersa ang fully vaccinated, habang 100,187 or 49% naman ang nakatanggap na ng kanilang 1st dose.

Sa ngayon nasa 16,339 or 7.34% ng kanilang mga tauhan ang hindi pa bakunado.

Kaya giit ni PNP chief patuloy ang paghikayat nila sa kanilang mga tauhan na magpa bakuna na ng sa gayon magkaroon ang mga ito ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.