-- Advertisements --

Nananatili pa rin ang pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila kahit nakalayo na ang mga bagyo at nabawasan na ang habagat.

Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ilan sa mga lugar na may pagbaha pa rin ay matatagpuan sa Malabon City.

Partikular na dito ang: Rizal ave extension, Bayan near Malabon City Hall : (6 inches ).

Baha pa rin sa Don Basilio Bautista, Brgy. Hulong Duhat : (4 inches ), C. Arellano Brgy. Concepcion : (6 inches) at F. Sevilla Blvd. Tañong (Bayan) : (6 inches ).

Gayunman, passable na ito sa lahat ng klase ng sasakyan.