-- Advertisements --

Lalo pang humina ang bagyong Emong at isa lamang itong ganap na tropical depression habang kumikilos sa katubigan ng Extreme Northern Luzon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 500km Northeast ng Itbayat Batanes .

Ito ay may lakas na lamang ng hangin na umabot sa 55km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 70km/h.

Patuloy na kumikilos ang bagyo pa North Northeastward sa bilis na 45km/h.

Samantala, southwest monsoon o habagat naman ang iiral sa malaking bahagi ng bansa na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon at Western portion ng Visayas.