-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na kasalukuyan nang inihahanda ng Department of National Defense (DND) ang mga assets mula sa Estados Unidos para sa isasagawang airlift relief operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, dumating na ang ilang rotary at fixed-wings assets ang kasalukuyan nang nasa bansa bilang assistance mula sa US para sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.

Ani Castillo, ang mga naturang aircraft ay kasalukuyang nasa isa na sa kanilang mga airbases at nakahanda na tumanggap ng deployment para sa relief operations.

Samantala ayon sa Office of Civil Defense (OCD), kabulang sa mga aircraft na maaring gamitin ay ang V-22 Osprey Aircraft katuwang ang C130 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagkakasa ng operasyon.

Para naman sa utilization ng mga naturang aircraft, paliwanag ni Castillo, mangagaling sa OCD ang mga direktiba kung paano at kailan gagamitin o i-dedeploy ang mga aircraft para makatulong sa operasyon.

Ani pa ng tagapagsalita, ang OCD ang pinakanakakaalam kung anong mga lugar sa hilagang bahagi ng bansa ang pinkanaparuhan ng mga kalamidad na nagdan kaya sila arin ang maaaring makapagsabi kung saan itatalaga ang mga US assets na kasalukuyan nang narito sa bansa.

Bagamat hindi masabi sa ngayon kung hanggang kailan ang illagi ng mga naturang US assets sa bansa ay tiniyak naman ni Castillo na ito ay magagamit para sa pagpapaabot ng humanitarian assistance sa mga mamamayang pilipino na siyang pinakaapektado ng mga nagdaang bagyo.

Sa kasalukuyan ay nanatiling naka-standby ang mga naturang US aircrafts para magamit sa mga ikakasang relief operations alinsunod pa rin sa magiging direktiba ng OCD at ng mga katuwang na ahensya.