-- Advertisements --

Naitala ngayong araw ang pinakamainit na temperatura sa Metro Manila ngayong panahon ng tag-init.

Ayon sa Pagasa, 42 degrees Celsius (°C) ang heat index o naramdaman kaninang ala-1:50 ng hapon sa Science Garden, Quezon City.

Maging sa ibang parte ng kalakhang Maynila ay naramdaman din ang mataas na temperatura.

Pero makalipas lamang ang ilang oras, nakaranas ng biglaang buhos ng ulan ang ilang parte ng Quezon at mga karatig na lungsod.

Sa pagtaya ng Pagasa, magpapatuloy pa ito dahil wala pang indikasyon ng maagang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.