-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec for Barangay Affairs Martin Diño na mahigit 3,000 na ang mga barangay officials na inireklamo dahil sa mga paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Diño, ilan sa mga ito ay sangkot pa sa mga iligal na aktibidad, habang may mga idinidiin din dahil sa pakikialam sa proseso ng pamamahagi ng relief supply.

Sinabi ng opisyal na maaari pa itong dumami dahil may iba pang sumbong na idinadaan sa ibang pamamaraan, kagaya ng pagtawag at mensahe sa social media.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay naglaan na ng P30,000 sa bawat makakapagsumbong ng LGU o barangay leaders na gumagawa ng iligal na aktibidad.