Ipinagpaliban ng House Appropriations Committee ang budget deliberations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa P881 billion para sa fiscal year 2026.
Isang linggo ang ibinigay ng komite sa ahensiya para ayusin o i correct ang kanilang taunang budget na nadiskubring may mga anomalya lalo na sa flood control projects.
Si Mamamayang Liberal partylist Rep. Leila de Lima ang naghain ng mosyon para atasan ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsumite ng panibagong proposal hinggil sa kanilang budget.
Inaprubahan ng komite ang mosyon ni Delima kung saan dapat maisumite ito ng DBM at DPWH sa pagitan ng September 15 o September 16.
Nangako naman si Dizon sa panel na sa darating na September 12,2025 kanilang isusumite ang revised proposed budget.
Sa darating na September 16 ang huling budget deliberations sa Komite dahil iaakyat na ang budget briefing sa plenaryo.