Bumwelta si Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin kay Navotas Rep. Toby Tiangco kung saan ibinunyag nito na mayruong P529 million budget insertions din ito nuong 2025.
Ginawa ni Garbin ang rebelasyon matapos nitong paulit ulit na inakusahan si dating appropriations panel chair Zaldy Co na nagsingit ng pondo sa 2025 national budget.
Sinabi ni Garbin sa P529 million budget insertion ni Tiangco nasa 65% – 70% dito ay napunta sa flood control projects sa Navotas.
Inihayag ni Garbin, walang basehan, misleading ang alegasyon ni Tiangco laban kay Rep. Co.
Nabatid may mga proyekto si Tiangco na nakatali sa mga contractors na iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa mga maanomalyang flood control projects.
Tinukoy ni Garbin ang St. Timothy Construction at SYMS Trading Construction na may hawak sa ilang proyekto ni Tiangco.
Ayon kay Garbin, bago pa man magsalita si Tiangco hinggil sa transparency and accountability dapat tignan niya muna ang kaniyang sarili.
Pinaalalahanan ni Garbin ang publiko na ang reklamo ni Tiangco sa House Infra Comm ay na nadismiss na dahil ang mga kinukwestiyong proyekto ay hindi parte sa iniimbestigahan ngayon na may kaugnayan sa ghost projects.
Ibinunyag din ni Garbin na batay sa record ng GAA at bicameral conference kasama umano si Tiangco na nagboto kaya hindi nito maintindihan kung bakit kinukwestiyon ito ngayon ng kongresista.