-- Advertisements --

Pabor si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na bawasan ang P268.3 billion pondo ng ahensiya sa flood control projects para sa susunod na taon.

Sinabi ni Dizon dapat lamang ito na bawasan ng hindi nalalagay sa alanganin ang iba pang mga lugar na nangangailangan talaga ng proyekto.

Binigyang-diin ng Kalihim na marami talagang dapat ayusin at linisin sa mga flood control projects ng mga nakaraang taon.

Naniniwala si Dizon na dapat magkaroon ng malaking pagbaba sa budget ng flood control ng sa gayon ang mga kwestiyunableng proyekto ay mabura.

Humiling naman si Dizon sa kamara na bigyan sila ng sapat na oras para kanilang maisa ayos ang kanilang panukalang 2026 budget.

Aminado ang Kalihim na nao-overwhelm siya at litong-lito dahil sa gulo na kaniyang nadatnan niya mula nang maupong bagong kalihim ng ahensiya.

Una ng ibinunyag ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno na may nakita silang kwestiyunableng proyekto sa 2026 NEP sa DPWH.

Ayon kay Dizon kinikilala niya ang naging hakbang ng mga Kongresista.