-- Advertisements --

Pitong mga menor de edad ang nailigtas sa ikinasang entrapment operation 

against trafficking in person and online sexual abuse and exploitation of children sa Barangay Calzada-Tipas, Taguig City nitong Martes ng gabi.

Agad namang tinulungan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang mga menor de edad.

Ikinasa ang operasyon bandang alas-9:20 ng gabi nuong September 3,2025 na pinangunahan ng PNP sa pakikipagtulungan sa Women and Children Protection Desk (WCPD)-Taguig. 

Nagsilbi namang mga temporary guardians ang mga miyembro ng local social workers mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) pitong menor de edad. 

Ililipat ang mga biktima sa isang childe-caring facility para sa long-term rehabilitation.

Batay sa inisyal na imbestigasyon na ang nanay ng mga biktima ay nag rerecord ng mga malalaswang videos ng kaniyang mga anak at saka ibinibenta uto online sa mga banyagang kliyente nito sa halagang P2,500 bawat transaction.

Kasama ng nanay ang kaniyang 19-anyos na anak na ginagamit din ang kaniyang tatlong taong gulang na anak na gamitin din sa exploitation.

Inaresto ang dalawang suspek at kasalukuyang nakakulong na at nahaharap sa patung patong na kaso Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, the Anti-Child Pornography Act of 2009, at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Mariing kinondena ni Mayor Lani Cayetano ang nasabing krimen at tiniyak na paiigtingin pa nito ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata.

“Walang puwang sa ating lungsod ang mga ganitong uri ng pang-aabuso. Hindi natin hahayaang may bata na alipustain, lalo na sa kamay ng mga taong dapat sana’y nagmamahal at nag-aalaga sa kanila. Sa Taguig, buo ang ating paninindigan—ang mga bata ay laging ligtas at laging may kinabukasan,” pahayag ni Mayor Lani.

Simula ng maupo sa pwesto nuong June 2022 si Mayor Lani aktibo na itong tinutulungan ang mga biktima ng online sexual abuse or exploitation of Children.

Sa datos ng City Social Welfare and Development Office nasa 50 victim-survivors na ang kanilang narescue.