Patuloy ang pagbagal ng inflation rate o galaw sa presyo ng mga produkto at serbisyo noong Enero 2022, base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Iniulat ng PSA na ang inflation rate noong nakaraang buwan ay pumalo sa 3 percent, mas mabagal kaysa 3.6 percent na naitala noong Disyembre 2021.
Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa, ang dahilan nang pagbagal ng antas ng inflation noong Enero 2022 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels .
Ang mga items na ito ay 4.5 percent inflation at may 77.1 percent share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Ayon sa PSA, ang inflation rate noong Enero ay pasok sa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 percent.
Nauna nang nagdesisyon ang mga economic managers na panatilihin ang inflation target na ito hanggang sa 20224.
Noong 2021, ang average inflation ng Pilipinas ay pumalo sa 4.5 percent.
Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na napanatili naman nito ang kanilang benchmark rate sa record low na 2 percent, sa pagsasabi na ang pagbilis ng inflation rate ay “transitory” lamang.
Ngayong taon, inaasahan na luluwagan ng BSP ang monetary stimulus na nakalatag para sa COVID-19 pandemic.